El Presidente
Ang el presidente ay pinakita ang buhay ni Emilio Aguinaldo at kung paano nabuo ang republika ng Pilipinas. Tumakbo ang istorya sa kabataan ni Emilio Aguinaldo kung saan siya nagsimula hanggang sa mga laban, naging isang rebulosyunaryo,nanguna sa kanyang pangkat laban sa mga espanyol at americkano at ang kanyang huling hantungan.
Sa aking panonuod aking nalaman na mayroong palang diwata o manghuhula parang gumabay sa kanya pero parang di ako naniniwala dun. Nalaman ko rin na isa pala siyang kolektor ng buwis.Sa aking mga nababasa at naririnig sa kanya siya ay isang masama at makasariling presidente siguro dahil mas pamilyar sakin si Andress Bonifacio sa pag kakaalam ko siya ang nag papatay kay Bonifacio pero ipinakita ng pelikula na di naman nya kagustuhan iyon dahil sa nasulsulan siya ng mga kasama ideneklara nya na ipapatay si Bonifacio.Nalaman ko rin na di pala mabait si Bonifacio mainitin ang ulo at dito ko rin nalaman yung parte na nanghihingi siya ng tulong at sa di pag tugon sa kanyang tulong o mga hiningingi ipinasunog nya ang kabahayan at nalaman ko rin na imbis na tulungan nya ang kapwa nya rebolusyonaryo nanaig sa kanya ang galit at ginulo pa ang kapwa nya rebolusyonaryo. yun ang mga parte na di ko pa nakikita o nababasa sa pag kakakilala ko kay bonifacio na di tinuturo sa iskwelahan.Di ko lang nagustuhan yung tapos may sumundo pa sa kanyang matanda naging bata parang di makatotohanan sana mas ginawa nilang makatotohanan kasi kasaysayan yun parang di ko tuloy malaman kung totoo yung dagdag na yun o may bawas pang di sinama sa pelikula. Ang pelikula kasi may sarisariling bersyon di nila pinakikita ang mga masasamang elemento na nangyari talga para maging maganda lang ang repleksyon ng bayani sa manunood. pero sa mga mahahalagang pangyayari nagampanan naman ng maayos na isadula ang mga gamit pati ang itsura mga lugar ay maganda parang bumalik ka tagala sa nakaraan
Di man ako sangayon sa ibang parte ng istorya nalaman ko na di lahat ng ginawa sa pelikula ay dapat paniwalaan maging mausisa sa mga pinanonuod imbis na matuto at maliwanagan at baka lalo pang maguluhan at di maunawaan ang kasaysayan.
Pero sa kabuuan naipakita naman kung paano nabuo ang pagkakaisa tapang at pagiging isa ng ating bansa sa panahon ng kagipitan ipinakita rin ang mga bayani at nagbuwis ng buhay para lang makamit natin ang ating kalayaan at tawagin isang malayang bansa.
Photosource:http://famasawards.com/wp-content/uploads/2014/05/el-presidente.jpg
